Share for friends:

Mga Tagpong Tila Nagpapaka-Weird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin… (2006)

Mga Tagpong Tila Nagpapaka-Weird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin… (2006)

Book Info

Author
Genre
Rating
4.18 of 5 Votes: 4
Your rating
Language
English
Publisher
Visual Print Enterprises

About book Mga Tagpong Tila Nagpapaka-Weird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin… (2006)

Karamihan sa mga kwento todits eh dehins nalalayo sa mga tagpo ng mga karaniwang estudyanteng tila nagpapaka-weird, kunyari pa-deep, sarap sapakin. Makikita mo sa mga komix dito na may pakeelam at masasabi ang mga estudyante sa mga seryosong usapin sa kanyang lipunang ginagalawan; kagaya ng pulitika at pag-papaunlad ng kalidad ng edukasyon, isama mo pa ang mga nagbabagong trends at pauso kaugnay ng teknolohiya.Nakakatuwa din na makita ang mga side ng mga esyudyante, guro, dating estudyante-guro na ngayon, mga bagong graduate, mga bum (p@#%&*!), mag-jowa, mga na-snatchan ng cellphone at nalalagay na self-portrait sa mga listahan ng suspek na may artist sketch. Asteeeeg! RakEnRol!Kikomachine Komix Blg.2 (Mga Tagpong Kunwari Pa-Deep, Sarap Sapakin!) Pagpapatuloy ng kwento ng mga estudyante ng di malamang unibersidad (UP daw sabi ng iba) . Gaya ng naunang komix ni Manix, koleksyon din to ng mga sitwasyon sa kolehiyo. Pero hindi na lang umiikot ang mga tagpo sa mga istudyante, sinali na rin pati ang mga terror na Prof at kung paano rin sila iterrorize ng mga istudyante. Maraming bago sa koleksyon ngayon ni Manix. Pero marami pa rin ang sobrang luma at sobrang korni. Marami ring mga parinig tungkol sa pulitika at sa edukasyon na pinapabayaan ng gubyerno. Pero kahit ata seryosong usapan ang pulitika hindi pa rin matitiis ni Manix na hindi ito lagyan ng kakornihan. Sarap sapakin ni Manix, kunwari pa-deep.Marami nang bagong karakter, pero parang may nawala rin. Nawala yung isang karakter na laging kasama ni isaw boy (yung lalaking nakasalamin at may tatlong hibla ng balbas) sa isawan. May mga bagong pasok, freshies kung baga. Meron ding basta na lang lumitaw gaya nung mga genius kuno na nagbabatuhan ng mga formula sa Physics. Nakakaexcite na din dahil nagkakaroon na nang daloy ang mga tagpo. Nagkakaroon na ng kwento na kaabang-abang. Meron nang grumadweyt (yung lalaking may hawak na isaw at yung lalaking nakasumbrero), may naging Prof(yung babaeng kalbo). May nagkatuluyan(yung babaeng nakasalamin at yung lalaking nakasalamin din at may apat na tusok-tusok na buhok) at yung iba balik enrollment lang.Kaabang-abang talaga.

Do You like book Mga Tagpong Tila Nagpapaka-Weird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin… (2006)?

HAAAAA! Taking the comic world into a new whole-nother level. Manix Abrera. Asteeeg!
—Emily

Idol 'tong si Manix Abrera. \m/ :))
—stuffs4eva

funny and beauyiful:)
—Babs

fun of many ideas
—vpetro

:D
—mandycat

download or read online

Read Online

Write Review

(Review will shown on site after approval)

Other books by author Manix Abrera

Other books in category Humor