Share for friends:

Lovestruck: Singles Edition (2012)

Lovestruck: Singles Edition (2012)

Book Info

Genre
Rating
4.36 of 5 Votes: 5
Your rating
ISBN
9710091980 (ISBN13: 9789710091980)
Language
English
Publisher
OMF Literature Inc.

About book Lovestruck: Singles Edition (2012)

This book is quite different from the first edition though they do have the same ground. I bought this book not because I am fan of the author or something, but I bought it because of the title, Lovestruck: Singles Edition. I thought this edition will talk about pursuing a solo flight in terms of love. Poor me because the book wasn't.But in the end, I learned a lot from this book. ^^Kudos to the author who was able to deliver this message packed in a cool way that teens may love it. Glory to God :) Bless more people by recommending this. ^^ Graduate na ako sa Puppy Love at matagal ko nang sinuotan ng imaginary blinders ang puso ko. Gusto ko kasing ipreserve ang sarili ko dahil alam kong “the one” ako ng “the one” ko. Masyado ring mataas ang standards ko at wala akong pinapasa. Matibay masyado ang bakod ko dahil ayaw kong masaktan at matulad sa iba. Binaling ko sa iba’t ibang bagay ang atensyon ko hanggang sa hindi ko na iniisip ang lovelife ko. Dadating din yan – yan ang motto ko. Para sa akin, hindi ko ito kailangang pagtrabahuhan. Passive na paghihintay.Marami sa aming mga singles o young professionals ang takot dahil sa commitment. Sa pag-aasawa pa lamang at kaakibat nitong mga responsibilidad ay atras na ang madami. Ang iba naman ay deny to death at ayaw aminin na gusto rin nilang magmahal at mahalin. Ang ilan naman ay sige lang nang sige at walang pagpapahalaga sa pusong dapat ding alagaan. Distorted na kasi ang “pag-ibig” sa pandinig dahil sa iba’t ibang karanasan. Kaya marami sa amin ay hindi handa at hindi naghahanda. Marami sa amin, lalo na sa mga babae ang walang makita. Nakakalungkot lamang isipin na kung kelan pwede na naming isipin ang lovelife ay saka naman ito nasisira.Nang nabasa ko ang Lovestruck Singles Edition, parang naging pula ulit ang mga namuti kong red blood cells. Tila nakaharap ako sa salamin nung binabasa ko ang libro sapagkqt nakita ko ulit ang pagkaka-disenyo sa akin ng aking Manlilikha. Nakaka-excite! Nalaman ko rin kung paano ako lalu pang makatutulong sa aking “the one” dahil nabatid ko kung paano siya nilalang ng Diyos at paanong kami ay magkatugma. Ang ganda!Muli kong natanaw ang totoong kulay ng pag-ibig. Sa kariktan nito’y hindi ko dapat itanggi na nais ko itong maranasan. Hindi na dapat maging in denial pa dahil nilikha rin ako para magmahal. Naging bukas ang isip ko nang nabasa ko ang libro. Mas magiging ako si ako. At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa perpekto Niyang plano. Tunay nga na mahal Niya tayo.Ang aklat na ito ay highly recommended sa mga singles. Napakapraktikal at true-to-life ng mga natutunan ko sa libro para maghandaan ang bagay na ito. Para sa akin, hindi lang ito makakatulong kung paano ko pakikitunguhan ang aking “the one” sa future. Ngunit pati kung paano ko pakikisamahan ang mga kapwa ko singles.Na-lovestruck ako! Ngayon, hindi lang ako passive ma maghihintay ngunit actively na maghahanda para sa magandang plano ng Panginoon. Masmakakatulong ito sa akin para maging “the one” ng “the one” ko. Salamat sa librong ito at pinalaya ako sa mga myths na inakala ko ay totoo.

Do You like book Lovestruck: Singles Edition (2012)?

A definitely worth of your time! Para sa lahat ng umiibig at iibig pa lamang.
—Ashcls

Love will come in the right place, right time and right person :)
—siobhanconnely

gusto ko itong basahin :)))
—Avery

download or read online

Read Online

Write Review

(Review will shown on site after approval)

Other books in category Nonfiction