Nagustuhan ko ang istorya nito. Pwedeng gawing pelikula kaysa ro'n sa ABNKKBSNPLAko?! Siguro nga lang, kaya hindi 'to ginawang pelikula dahil baka hindi makuha ng marami ang mensahe nito. Simple lang naman ang mensahe nito KUNG politically at socially aware kang tao. Baka 'pag pinabasa mo 'to sa mga taong tumatanggap ng pera tuwing eleksyon, o sa mga nababayarang sumama sa mga pro-politicians rally, o sa mga taga-hakot ng tao sa mga speech o iba pang activities sa bayan, 'di nila mage-gets. Baka akalain pang totoo ang halimaw at ang bayani rito.Sa totoo lang medyo nakalimutan ko na rin ang buong istorya nito pero nakatatak pa rin naman sa akin 'yong gist. Tungkol sa ating sarili. Kanino ba tayo dapat maging bayani? Para sa ating sarili? Para sa ating minamahal? Para sa nakararami? O para sa ideya ng pagiging bayani na kailangang mailigtas para sa ikabubuti ng mundo?Basahin mo 'tong libro baka sakaling masagot. 1.) hanggang kaya nating isisi sa iba, hanggang kaya nating ipasa sa iba, gagawin natin gagawin natin, takot tayong aminin na tayo ay mahina, takot tayong aminin na kaya tayong higitan ng iba.2.) mahilig din tayong magreklamo, mahilig tayong mamuna ng pagkukulang ng iba pero hanggang doon lamang tayo hanggang reklamo lang tayo, hanggang puna lang tayo pero wala tayong ginagawa para maayos ito.